Nakatakda nang magpatupad ng full face-to-face classes ang nasa 25 paaralan sa elementarya at tatlo sa sekondarya sa darating na Oktubre 3, 2022.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru Jr., Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan, kung kaya ng i-manage ang mga learners ay sisimulan na ang in-person classes ngayong Oktubre.
Aniya, ito ay para Makita na ang transition at mga adjustment na kailangan gawin sakaling buksan ang 100% face-to-face classes.
Kabilang sa mga paaralan na magsasagawa ng face-to-face classes ang Cauayan National High School, Linglingay National High School, at Villa Concepcion Rogus-Extension National High School.
Sa pagpasok naman ng mga estudyante ay unti unti ng papayagan ang 5-days class sa loob ng isang linggo.
Hinikayat ni Dr. Gumaru ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para sa dagdag proteksyon laban sa Covid-19.
Facebook Comments