HIGIT 3,000 INDIBIDWAL, KABILANG SA LET EXAMINEES SA CAUAYAN CITY

36
Mahigit 3,000 examinees ng Licensure Examination for Teachers (LET) ang nakatakdang sumailalim sa pagsusulit sa tatlong testing centers sa Cauayan City sa darating na Linggo, Oktubre 2, 2022.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru Jr., Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan, mananatili naman ang pagpapatupad ng health protocols para makaiwas sa Covid-19.

Kaugnay nito, sasailalim sa temperature check ang bawat examinees bago pa man magsimula ang pagsusulit.

Para naman sa mga examinees na makakaranas ng lagnat, magkakaroon ng rekomendasyon ang PRC at medical team kung kakailanganin pang magpatuloy sa examination o gawin ito sa nakatakdang LET exam sa susunod na taon.

Kinakailangan naman na bakunado ang kukuha ng pagsusulit dahil mahigpit itong ipapatupad.

Facebook Comments