Nagpositibo sa COVID-19 ang nasa 29 Filipino seafarer nang dumating sa China at pasakay na sana ng kani-kanilang barko.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, mismong ang Chinese Embassy ang nagpaabot sa kanila ng impormasyon hinggil sa mga Filipino seafarer na nagpositibo sa virus.
Sinabi pa ni Olalia na nakipag-ugnayan sa kanila ang Chinese Embassy at ibinigay ang listahan ng mga pangalan ng mga seafarers na una nang nasuri na negatibo sa COVID-19 bago magtungo sa China.
Aniya, sumailalim ang naturang mga seafarer sa COVID-19 test sa Pilipinas at nag-negative ang mga ito bago pinayagang ma-deploy sa China.
Dahil dito, agad na kinontak at kinausap ni Olalia ang agency na nagpadala sa mga seafarer kung saan sa tingin nila ay may mga ibang kinalaman kaya’t nagpositibo ang mga ito sa virus.