Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng mga panibagong positibong kaso ng covid-19 ang Lambak ng Cagayan.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2 as of July 31, 2021, mayroong 283 na bagong na-infect ng COVID-19 ang naitala sa rehiyon; 152 na bagong gumaling at apat (4) na binawian ng buhay.
Dahil dito, bahagyang tumaas sa 2,685 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Tumaas din sa 54,846 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibong gumaling samantalang umaabot na sa 1,570 ang kabuuang bilang ng namatay sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng 59,120 total cumulative cases ng COVID-19 ang buong Lambak ng Cagayan.
Facebook Comments