284 BENEPISYARYO NG TSUPER ISKOLAR SA ILOCOS REGION

Nasa 284 na residente ng Ilocos Region ang benepisyaryo ng Tsuper Iskolar na sa ilalim ng programa ng DOTr, TESDA, LTFRB at OTC.
Ilan lamang sa libreng kursong binuksan ay Driving NC II, Creative Web Design, Bread and Pastry Production NC II, Organic Agriculture Production NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II at Shielded Metal Arc Welding NCI.
Layunin nito na magbigay ng libreng skills training, skills assessment, at entrepreneurship training sa mga PUV driver, konduktor, at kanilang kapamilya na apektado sa pag-implementa ng Public Utility Vehicle.

Inaasahang bago matapos ang taon ay target na maipasa ng mga benepisyaryo ang kanilang assessment.
Nagsagawa din ng Training Induction Program ang ibat-ibang TESDA Provincial Offices sa mga kapartner na paaralan ng gobyerno at benepisyaryo ng programa na naglalayong bigyang aral ang mga ito tungkol sa programa, mga benepisyo at mga alituntunin ng TESDA at DOTr hanggang sa maipasa nila ang kanilang assessment o matapos ang kanilang kurso. |ifmnews 
Facebook Comments