COMELEC DAGUPAN, NAKIUSAP SA MGA DAGUPEÑO NA HUWAG MAGPAREHISTRO NG LAST MINUTE SA VOTER’S REGISTRATION

Mahigpit na ipinaalala ng Commission on Elections Dagupan City sa mga Dagupeñong hindi pa nakapagrehistro na huwag magparehistro sa last-minute ng registration.
Ito ang sinabi ni Atty. Michael Franks Sarmiento, ang election supervisor ng lungsod sa isang media briefing sa COMELEC Dagupan Office kaugnay sa paparating na muling pagbabalik ng voter’s registration sa darating na ika-12 ng Disyembre hanggang sa Enero 31 taong 2023.
Aniya, mahigpit nitong ipinapaalala sa publiko na huwag sanang pumila lang ng huling araw ng registration upang hindi na mahirapan, mapabilang pa sa napaka-habang pila at hindi na maabutan ng gabi.

Sinabi din ng opisyal na ilulunsad na sa Lunes ang voter’s registration sa iba’t ibang lugar gaya na lamang ng paaralan, sa mga Barangay Hall at sa mga mall sa lungsod para may pagpipilian ang mga residente ng pagpaparehistro.
Hinihikayat ng opisyal na sana ay makiisa sa muling gagawing voter’s registration. |ifmnews 
Facebook Comments