SAN NICOLAS, PANGASINAN – Isa ng malamig na bangkay ang 29 anyos na babae nang matagpuan ito sa kanyang tahanan sa Brgy. San Roque, San Nicolas, Pangasinan.
Nakilala ang biktima na si Maricel Tucay na residente ng nasabing lugar.
Base sa report ng San Nicolas Police Station, nagtungo sa tahanan ng biktima si Jojo Mico, 29 anyos upang kumustahin ang biktima dahil hindi nila ito nakitang lumabas ng bahay sa araw na iyon.
Nadiskubre niya ang katawan ng biktima sa kusina na nakadapa at napansin nitong may mga natuyong dugo sa sahig.
Agad na nagtungo ang San Nicolas PNP sa lugar upang magsagawa ng imbestigasyon at nalamang may sugat ito sa kanyang noo.
Inaasahang sasailalim ito sa Post-Mortem Examination at autopsy upang malaman ang sanhi ng ikinamatay nito.###