29-ANYOS NA WANTED SA PSYCHOLOGICAL VIOLENCE, ARESTADO SA DAGUPAN CITY

Timbog ang isang 29-anyos na lalaki sa Dagupan City dahil sa kasong Psychological Violence noong Setyembre 15, 2026.

Ayon sa pulisya, kinilala ang suspek bilang residente ng Lingayen, Pangasinan.

Nagpatupad ng warrant of arrest laban sa suspek ang Police Station 1 ng Dagupan City Police Office, City Intelligence Unit (CIU), at City Investigation Detection and Monitoring Unit (CIDMU).

Batay sa warrant, nahaharap ang suspek sa kasong Psychological Violence sa ilalim ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, na may ₱72,000 na inirekomendang piyansa.

Matapos ang pagkakaaresto, dinala muna ang suspek sa isang ospital para sa standard medical examination.

Matapos nito, itinurn-over ito sa Police Station 1 para sa dokumentasyon at kasalukuyang nakapiit sa DCPO Custodial Facility habang isinasagawa ang kaukulang legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments