ALAMINOS CITY LCRO, 3-PEAT OVER-ALL CHAMPION SA OUTSTANDING LOCAL CIVIL REGISTRY OFFICES SA REGION 1

Muling pinatunayan ng City Civil Registry Office ng Alaminos City ang husay sa serbisyo publiko matapos tanghaling Over-all Champion sa 2025 Search for Outstanding Local Civil Registry Offices o LCRO sa Region 1.

Ito na ang ikatlong magkakasunod na taon na naiuwi ng Alaminos City LCRO ang pinakamataas na parangal sa ilalim ng Extra Large Category.

Hinakot din ng tanggapan ang apat na pangunahing parangal—ang Naimpusuan a Panagserbi Award bilang Most Citizen-Focused LCRO; Natalged a Timpuyog Award bilang Most Collaborative LCRO; Naisangsangayan a Ganuat Award bilang Most Innovative LCRO; at Natulnog Award bilang Most Responsive and Compliant LCRO.

Tinanggap nina City Civil Registrar Lovely De Castro-Milles at Registration Officer III Jorelen Pascua ang mga parangal mula sa Philippine Statistics Authority Region 1 at PSA Pangasinan.

Ang tagumpay ay patunay rin ng patuloy na suporta ng administrasyon ni Mayor Arth Bryan Celeste sa pagpapataas ng kalidad ng serbisyo publiko at paglalapit ng mga serbisyo ng pamahalaang lungsod sa bawat Alaminian.

Samantala, kinilala rin ang Pangasinan Civil Registrars’ Association o PANCRA bilang Outstanding Local Civil Registrars’ Association ngayong taon.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Arth Bryan Celeste, patuloy na ipinakikita ng Alaminos City na ang mahusay, mabilis at citizen-focused na serbisyo publiko ay maaaring maging pamantayan ng isang lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments