294 PWDs sa Cagayan, Niregaluhan ng PRO2

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa mahigit 294 na Persons with Disabilities (PWDs) ang nabigyan ng gift packs mula sa Ladies Club ng Police Regional Office 2 (PRO2) sa pangunguna ni Gng. Leah Sabaldica, ang PRO2 OLC President bilang bahagi sa kanilang BARANGAYanihan program na isinagawa sa Centro East, Sta. Teresita, Cagayan kahapon, Disyembre 1, 2021.

Nagpapasalamat naman si Mayor Rodrigo P. De Garcia sa PRO2 OLC sa pagpili sa kanyang mga kababayan na mabigyan ng kanilang tulong sa kanilang isinusulong na adbokasiya gayundin kay Police Brigadier General Steve B. Ludan, PRO2 Regional Director sa walang sawang suporta at tulong na ibinibigay sa mga residente ng Sta. Teresita.

Bukod dito, binigyan diin ni Police Lieutenant Colonel Efren L. Fernandez II, Chief Regional Public Information Office and Assistant Chief, Regional Community Affairs and Development Division na ang tunay na diwa ng Pasko ay sa pamamagitan ng pagbibigayan at pagmamahalan.


Tiniyak din ng nasabing opsiyal na magpapatuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng tulong at serbisyo lalo na sa mga taong higit na nangangailan sa komunidad.

Samantala, magsasagawa muli sa mga susunod na araw ng BARANGAYanihan activities ang mga tauhan ng PRO2 OLC para sa mga batang napabayaan at inabandona bilang kanilang benepisyaryo.

Facebook Comments