Bilang ng mga nagparehistro para sa 2025 midterm election, umabot na halos 2-M – COMELEC

Posibleng mahigitan pa ng Commission on Election (Comelec) ang target nitong tatlong milyong bagong botante para sa 2025 midterm election.

Ito ay matapos umabot na sa kabuuang 1,978,083 ang mga nagpatala sa nagpapatuloy na Voter’s Registration.

Pinakamarami sa nagparehistro ay sa Region 4-A na higit 366,000 kasunod and NCR at Region 3 na kapwa mahigit 200,000 ang mga nagpatala.


Una nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na posibleng umabot ng 3.5 milyon ang bagong botante sa midterm elections.

Hanggang sa katapusan ng Setyembre ang registration period at matapos noon ay sasalain ang mga nagpatala para matiyak na sila ay kuwalipikado at hindi dumoble ang pagpapatala.

Facebook Comments