2nd Batch ng mga LSI mula BASULTA makakauwi na!

Makakauwi na ng Basilan ang nasa 260 na mga Locally Stranded Individuals na nakaquarantine ng higit dalawang linggo sa mga Ligtas Covid facility ng BARMM Government sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao.
Sa impormasyon mula READI BARMM, sakay ng Alison Boat ang mga LSI at inaasahang makakarating ng Lamitan Port sa Basilan bukas.
Ang mga LSI ay kabilang sa 405 na mga LSI na naka avail ng Hatid Tulong Initiatives ng pamahalaan na pauwi sana sa BASULTA , ngunit sa halip na sa Zamboanga Port ang naging Drop Off Center ng mga ito ay naidivert sa Cagayan de Oro dahilan upang ibyahe ng BARMM Government sa Maguindanao noong July 10.
Samantala, sa August 2, nakatakda ring ibyahe na pauwi sa Sulu (75) at Tawi-Tawi (20) ang mga natitirang LSI.
Noong nakaraang araw, nauna na ring umuwi sa Basilan ang 50 LSI .
Bukod sa Food Items at Hygiene Pack, nagpaabot rin ng Financial Assistance ang BARMM Government sa mga umuwing LSI.
Matatandaang 120 sa mga LSI mula sa BASULTA ay nagpositibo sa COVID-19 ngunit lahat naman ay agad na nakarekober ayon pa sa Spokesperson ng BARMM IATF Asnin Pendatun sa naging panayam ng DXMY.
Samantala abot na sa 455 ang kaso ng Covid sa buong BARMM.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments