2nd batch ng mga neophyte congressman, sumalang na rin sa orientation

Sumalang na ang tatlumpu’t tatlong neophyte congressmen sa Executive Course on Legislation.

Ito ang ikalawang batch ng mga bagong magiging miyembro ng 18th Congress.

Kabilang dito ang anak ni Senator Cynthia Villar na si Camille na kinatawan ng Las PiƱas City, anak ni outgoing Cong. Raul Daza na si Paul na siyang papalit sa kanya sa Northern Samar, anak ni outgoing QC Cong. Bingbong Crisologo na si Anthony Peter, anak ni outgoing Iloilo Cong. Ferjenel Biron na si Braeden John, pinsan ni Senator Sonny Angara na si Rommel Angara na kinatawan ng Aurora, at ang mga kinatawan ng ACTS-CIS partylist na sina NiƱa Taduran at Jocelyn Tulfo.


Gaya sa mga nauna, ituturo sa second batch ang proseso ng paggawa ng mga batas, budget process, trabaho ng legislative committees, at daloy ng parliamentary procedures.

Ang Executive Course on Legislation ay pinangangasiwaan ng House of Representatives katuwang ang University of the Philippines Center for Policy and Executive Development at National College of Public Administration and Governance.

Tatagal ang orientation nitong ikalawang batch hanggang sa Miyerkules.

Facebook Comments