Tinanggap na sa Hope Facility ng Quezon City ang lahat ng 82 na police personnel ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 3 na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Chief Dr. Rolando Cruz, unang dinala kahapon sa Hope Facility ang first batch na 48 positive cases, habang ngayong hapon naman tinanggap ang pangalawang batch.
Ayon pa kay Dr. Cruz, may kabuuang 161 police personnel na nakatalaga sa Station 3 ang sinuri, mula rito, 79 ang nag-negative ang resulta.
Kasalukuyang inaalam ng CESU ang sitwasyon sa mga komunidad sa paligid ng Police station 3 upang madetermina kung kinakailangang magpatupad ng granular lockdowns.
Facebook Comments