Nasa 1,500 ektarya ng lupang sakahan sa Manaoag ang matatamnan ng hybrid rice seeds na ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA)
Layunin nitong matulungan ang mga magsasaka sa kanilang pangalawang anihan o 2nd crop dry season ngayong taon
Samantala, nakabatay naman sa laki ng kanilang sinasakang lupain ang dami ng binhing natanggap ng bawat magsasaka upang matiyak ang patas at epektibong distribusyon ng ayuda.
Ayon sa pamahalaan, hangad nilang mapabuti ang produksyon ng bigas sa bayan at matulungan ang mga magsasaka na mapalago ang kanilang ani. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









