2nd Regional Coffee Business Forum, Inilunsad sa City of Ilagan!

Cauayan City, Isabela – Inilunsad na ngayong araw ang pangalawang Cagayan Valley Coffee Business Forum na ginanap sa DreamWave hotel ng City of Ilagan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong Hector Tabbun, Regional head ng Agricultural and Fisheries Section sa programang Straight to the Point ng RMN Cauayan kaninang umaga.

Ayon kay ginoong Tabbun, pangungunahan ito ng mga panauhin gaya nina Governor Junie Pua ng Quirino at Chairperson ng Regional Development Council ng Cagayan Valley, Regional Executive director Florencio Carangyan ng Department of Agriculture Regional Office 2, Regional Director of Department of Trade and Industry Ruben Deciano, Regional Director ng DTI Cordillera Administrative Region at National Coordinator of Coffee Industry Myrna Pablo at ni City Mayor Evelyn C. Diaz.


Tatalakayin dito ang mga kaalaman tungkol sa produksyon ng kape bilang isang pwedeng gawing negosyo o itanim ng mga magsasaka sa rehiyon at mga kaalaman hinggil sa mga bagong teknolohiya para sa produksyon ng kape at iba pang kaalaman tungkol sa kape.

Magbibigay din umano ang Department of Agriculture ng mga Planting materials para sa mga interesadong magsasaka subalit ito ay dipende pa rin umano sa lawak ng taniman.

Samantala, ilulunsad naman bukas ang Coffee Product Display sa North Mall kaya’t iniimbitahan ngayon ni Ginoong Tabbun ang lahat upang tunghayan ang labing isang klase ng kape mula sa ibat-ibang probinsya ng rehiyon.

Facebook Comments