Asahan na ang patuloy na pagtaas sa singil sa kuryente dahil sa nagpapatuloy na Russia-Ukraine crisis.
Ayon kay Philippine Independent Power Producers Association Incorporated (PIPPA) President Atty. Anne Estorco-Montelibano, magtutuloy-tuloy ang dagdag singil habang tumataas ang presyo ng krudo at ng coal o uling na ginagamit sa paggawa ng kuryente.
Aniya, maaaring umabot sa P9 kada kilowatt per hour ang dagdag-singil sa kuryente.
Sa kabila nito, tiniyak ni Montelibano na ginagawa naman ng energy sector at nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Energy para maiwasan ito.
Facebook Comments