16 na manlalaro ng Gilas Pilipinas na sasabak sa SEA Games, inilabas na

81

Inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang 16 na manlalaro ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam sa May 12 hanggang 23.

Ayon kay Gilas Head Coach Chot Reyes, ang mga PBA players na sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Poy Erram, Mo Tautuaa, Troy Rosario, RR Pogoy, Matthew Wright, Kevin Alas, Robert Bolick, at Kib Montalbo ang mangunguna sa national team.

Makakasama rin sa Gilas sina Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Wil Navarro, Lebron Lopez, Isaac Go at Caelum Harris.


Paliwanag ni Reyes, sa ngayon ay hindi pa nila papangalanan ang final 12 roster pero ito ang pool na naramdaman nilang makapagbibigay ng ginto sa SEA Games.

Facebook Comments