MANILA – Dumami ang pilipinong nagutom sa huling quarter ng taong 2016.Batay ito sa resulta ng Survey Ng Social Weather Station na ginawa noong Disyembre 3 hanggang 6 kung saan 1,500 ang tinanong.Naitala sa 13.9 percent ng mga tinanong ang nagsabing nakaranas sila ng tinatawag na “involuntary hunger”.Katumbas ito ng 3.1 milyong pamilya, mas mataas ito noong Setyembre ng nakaraang taon na umabot lamang sa 10.6 percent o katumbas ng 2.6 milyong pamilyang pilipino.Samantala, sinabi ng Malakanyang na paiigtingin pa nito ang mga aksyon laban sa kahirapan sa bansa.
Facebook Comments