3 anyos na bata nabaril ng kanyang kapatid sa mata

40

Kalunos lunos ang sinapit ng isang menor de edad na batang babae pasado alas tres ng hapon kahapon, March 14, 2018, matapos tamaan ng improvised airgun o kung tawagin ay holen gun na panakot sa mga wild farm animals kabilang na ang unggoy at baboy ramo, Brgy. Pinduluna Barira Maguindanao

Dumating sa Cotabato City Regional and Medical Center ganap na 5:30pm ang biktima na kinilalang si Sahaina Mundi, tatlong taong gulang na residente ng nasabing barangay

Ayon sa kanyang tiyuhin na si Hashim Sharif, galing sa pagbabantay sa mga hayop na pumiperwisyo sa kanilang mga pananim na mais ang tatay ng biktima at agad inilapag ang holen gun, pagkalipas ng ilang minuto sa di inaasahang pagkakataon ay di sinasadyang nakalabit ng isa pang anak niyang babae ang holengun at tumama sa mukha ng biktima at naapektuhan ang kanang mata nito.

Patuloy na nananalangin ang pamilya at mga kaanak ng biktima na malagpasan ang disgrasyang sinapit ng biktima. (Mubarak M. Lauban)

Facebook Comments