Lubos na nagpapasalamat ang tatlong aplikanteng nabigyan ng trabaho sa tulong ng Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila.
Kapwa napunta sa housekeeping sina Jhon-Jhon Santiago na taga Caloocan City at Dante De Guzman na Quezon City.
Kwento ng dalawa, hindi sila nabigo nang lumapit sa Radyo Trabaho upang sumubok kung saan sa kanilang pagpunta ay agad sila inasikaso at binigyan ng referrals ng RT team mula sa kompanyang Neat Engagements.
Agad silang sumabak sa training at sa loob lang ng tatlong araw ay pinagsimula na rin sila sa trabaho.
Bukod sa kanila, ang isa pang maswerteng aplikante na nagkaroon ng trabaho bilang office staff ay si Shekinah Gomez ng Sta. Rosa Laguna.
Nangako ang mga aplikante na babalik sa Radyo Trabaho upang magbigay inspirasyon sa mga kagaya din nila na naghahanap ng trabaho
Sa pinakahuling datos, umabot na sa 11 ang lumapit sa Radyo Trabaho kung saan tatlo dito ay mayroon nang trabaho.
Sa ngayon mayroon pang walong aplikante ang nabigyan ng referrals sa iba’t ibang kompanya at agency.
Samantala sa mga gusto din na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himpilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.
Maari nyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o biodata sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming RT hotline 882-2370 o magpadala ng inyong mensahe sa RT textline 0967-372-9017.