P20-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Valenzuela

Valenzuela City – Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 20 milyong pisong halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Bahayang Pag-Asa, Barangay Mayson, Valenzuela City.

Kinilala ang mga suspek na sina Wu Lianlai, Florencio Serdon, Sunbenny Marquez Jr. at Christopher Dela Cruz.

Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA-Calabarzon operatives, PDEA agents mula sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao, National Capital Region at PDEA Special Enforcement Services members.


Aabot sa tatlong pakete na naglalaman ng tatlong kilo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska, kasama ang 1,000 pesos marked money at ang boodle cash na ginamit sa entrapment.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments