Mahigit kalahating milyong piso na halaga ng shabu ang nakumpiska sa 3 indibidwal na naaresto sa Sitio Curbada, Brgy. Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao pasado alas tres kahapon ng hapon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Moimona Bagundang alyas Wetmon, Sidik Bagundang alyas Sidik Sising Bagundang, kapwa mga residente ng Barangay Ganta, Kabuntalanat si Mohalidin Pikit alyas Kuleleng, driver at residente ng Barangay Datumeg, Kabuntalan, Maguindanao.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang pakete ng hinihanalaang shabu na may timbang na humigit kumulang 100 grams at may market value na nagkakahalaga ng 680,000 pesos, tatlong bundle ng photocopied 1000 peso bill na nagkakahalaga ng 300,000 pesos na boodle money .
Nasa Jail Facility na ngayon ng PDEA-BARMM ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasama ng PDEA BARMM sa operasyon ang Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, 1st PMFC, 2nd Maneuver Platoon at 7IB Alpha Coy,
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>