3 Barangay sa Santiago City, nakatakdang ideklara bilang Drug Free!

Santiago City – Nasa tatlong barangay na lamang ang hinihintay ngayon upang maideklara bilang Drug Free mula sa 37 na barangay na sakop ng Lungsod ng Santiago.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Superintendent Arnel Cleto Atluna, kung saan inaayos na lamang ang mga dokumento ng tatlong natitirang barangay na ipapasa sa PDEA.

Una nang naideklara ang 34 na barangay sa naturang Lungsod bilang Drug Cleared at Drug Free.


Kaugnay nito ay malaki ang pasasalamat ng naturang opisyal dahil sa partisipasyon at pakikiisa ng mga Santiagueños sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Samantala, magsisilbi anya na inspirasyon ng mga kapulisan ang kanilang nakuhang National Award dahil na rin sa dami ng kanilang mga accomplishments hinggil sa droga.

Target naman ng PNP Santiago City na malinis na sa droga ang lahat ng mga barangay na sakop ng Lungsod kaya’t puspusan pa rin ang kanilang pagsasagawa ng Anti Illegal Drug Operation.

Facebook Comments