3 bata nakaligtas ng muntik malunod sa Lingayen Beach Pangasinan

Himalang nakaligtas ang tatlong bata matapos itong hampasin ng alon habang naliligo sa Lingayen Beach sa Lingayen, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon na dumating ang tatlo sa naturang beach kasama ang kanilang tiyuhin para sana maligo ngunit nagmadaling tumakbo ang tatlo upang maligo. Hindi naman agad namalayan ng kanilang tiyuhin ang tatlo.
Dito nahampas ng malakas na alon ang tatlo dahilan para sila ay tangayin hanggang sa pampangng beach.
Agad nakahingi ng tulong ang kanilang tiyuhin sa mga nakastandby na pwersa ng (PDRRMO) at (LDRRMO).
Nailigtas naman agad ang tatlo ngunit ang isa ay tinakbo sa ospital para obserbahan.
Sa ngayon ay stable na ang tatlong bata.

Facebook Comments