3 BATA, NAPUTUKAN NG BOGA SA MATA

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) Region 2 ng tatlong kaso ng fireworks-related injuries ngayong panahon ng kapaskuhan.

Dalawa sa biktima ay mula sa Cagayan habang isa naman ay mula sa lalawigan ng Isabela.

Ang pinakabagong kaso ng fireworks-related injuries ay limang taong gulang pa lamang mula sa Cagayan.

Habang ang dalawa naman ay mga bata rin na nagkaka-edad ng 7-taong gulang at 11-taong gulang.

Batay sa report ng Regional Epidemiology and Surveillance unit (RESU), parehong nagtamo ng eye injury ang mga ito mula sa “boga” o kanyong PVC na isang pampaingay na popular tuwing kapaskuhan at sa pagsalubong ng bagong taon.

Samantala, nabigyan naman ang mga ito ng lunas na ngayon ay nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan.

Ayon pa sa RESU, ang mga kasong ito ay 200% mas mataas kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Facebook Comments