Ilang pasahero, humabol na makauwi sa probinsya ngayong araw ng Pasko

Mangilan-ngilan pang mga pasahero ang humabol na makauwi sa kanilang mga probinsya ngayong Linggo, araw ng Pasko.

Sa isang terminal sa Alabang, Muntinlupa, dalawang bus ang umalis ngayong araw patungo sa Iloilo.

Sakay nito ang mga pasaherong nagpa-reserve ng ticket habang naghihintay pa ng bus ang mga walk-in.


Sa interview ng RMN DZXL 558 sa isa sa mga pasahero na si Cris Alcedo, galing pa sila ng kanyang pamilya sa Cavite at uuwi ngayong araw sa Capiz para doon salubungin ang Bagong Taon.

 

Samantala, kahit araw ng Pasko, tuloy pa rin ang biyahe ng bus dito papuntang Aklan at Antique, maliban sa mga biyaheng Capiz at Iloilo.

Muli namang pinaalalahanan ng pamunuan ng bus terminal ang mga pasaherong magbabalak bumiyahe para naman sa Bagong Taon na maagang magpunta upang hindi maubusan ng slot.

Facebook Comments