Pumalo na sa tatlo ang mga lugar sa probinsya ng South Cotabato na isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Kasunod ito ng pagpasa ng resolution ng mga Sangguniang Bayan nagdedeklara ng state of calamity sa mga bayan ng T’boli, Banga, at Tantangan.
Magpupulong bukas ang Provincial Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) para pag-usapan kung isasailalim sa state of calamity ang buong probinsya.
Noong Enero ngayong taon ay umabot na sa mahigit ₱64 milyon ang pinsala sa pananim na palay mula sa 436 na ektarya dahil sa matinding tagtuyot.
Apektado rin ng mainit na panahon ang nasa 1,000 ektarya ng maisan na may naitalang ₱42 milyon na halaga ng pinsala.
Facebook Comments