3 BIFF , Sundalo patay sa inilunsad ng Operasyon sa SPMS Box

Muling nagsagawa ng focus military operation ang 6th Infantry “Kampilan” Division sa SPMS Box sa Maguindanao.
Ang operasyon ay bahagi pa rin ng pagpapatupad ng kanilang responsibilidad para mapanatili ang kapayapaan sa kanilang AOR ayon pa kay Major Rosalina Romay, acting DPAO Chief ng 6th ID sa naging panayam ng DXMY.
Target pa rin ng operasyon ang mga armadong grupo kabilang na ang mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers giit pa ni Maj. Romay.
Bagaman may mga impormasyon na may 3 myembro ng BIFF na kinabibilangan ng isang Ustadz Kamaro, Rida at Samin bukod pa sa isang military ang nasawi , hindi naman kinumperma ito ni Major Romay.
Kaugnay nito pinabulaanan ni Abu Misry Mama tagapagsalita ng Bangsamoro islamic Freedom Fighters (BIFF)-Bongos faction na sila ang nakasagupa ng militar kahapon .
Sa panayam ng DXMY-RMN Cotabato sinabi ni Mama na hindi ang kanilang grupo ang nakapalitan ng putok ng mga sundalo kundi ang ISIS-inspired group.
Ayon pa kay Mama, wala silang movements sa kasalukuyan bagkus ay nag-oobserba lamang sila.
Kampilan Pic

Facebook Comments