Kampilan Division kinondena ang pagpatay sa kanilang sundalo

Nagpahayag ng mariing pagkondena ang 6th ID kaugnay ng panibagong insidente ng pamamaril-patay sa isa na namang kawal nila sa Barangay Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ayon kay Major Rosalina Romay acting 6th ID DPAO Chief, ang ganitong akto ng kanilang mga kalaban ay labis nilang kinokondena, anya ang insidenteng ito ay iniimbestigahan na rin naman ng Sultan Kudarat-MPS.
Sa kabilang banda, tinitiyak ng Kampilan Division na nananatili ang kanilang pag-secure sa kanilang AOR at laging handa na tuparin ang kanilang tungkulin, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan para sa ika-uunlad pa ng rehiyon.
Samantala, itinanggi din ni Abu Misry Mama spokesperson ng BIFF Bungos Faction na may kinalaman ang kanilang grupo sa panibagong insidente ng pamamaril-patay sa isang sundalo .
Anya, walang nakarating na impormasyon sa kanya tungkol sa naturang insidente.
Binigyang diin ni Mama na wala silang kinalaman sa krimen, anya dapat ay imbestigahan na lamang ito ng mga otoridad.

Facebook Comments