Tatlong dalaw sa ospital, arestado matapos makuhaan ng shabu nang dadalaw sana sa isang pasyente. Kalaboso ang bagsak ng tatlo katao matapos ang mga ito ay mahuli ng gwardya ng isang ospital sa Iriga City, Camarines Sur, na may dalang ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa report, bandang alas 11 ng gabi ng nakaraang araw sa Sta. Maria Josefa Foundation Hospital sa Iriga City, sa halip na damit o pagkain, ipinagbabawal na droga o shabu ang bitbit ng dalawang lalaki at isang babae na dadalaw umano sa isang pasyente sa Room 102 ng naturang ospital.
Kaagad namang humingi ng tulong sa PNP ang pamunuuan ng ospital matapos mapag-alaman o madiskobre ang dala-dala ng tatlo.
Agad namang hinuli ng mga nagrespondeng pulis ang mga suspect. Sa imbistigasyon ng pulisya, kinilala ang tatlo na sina Jose Sumayao Jr, Melinda Sumayao at Bernard Botor -pawang mga nakatira sa bayan ng Baao, katabing bayan lamang ng Iriga City sa Camarines Sur.
Napag-alaman na hindi lang iyon ang unang pagkakataon na nakapagbisita ang tatlo sa nabanggit na ospital. Malakas din ang paniniwala ng pamunuuan ng SMJF Hospital at pulisya na nagpa-pot session ang mga ito sa loob mismo ng CR sa kwarto ng nasabing pagamnutan.
Hindi nabanggit sa report ang pangalan ng pasyenteng dadalawin sana umano ng mga suspect. Sa kasalukuyan, ang tatlong dadalaw sana sa nabanggit na ospital ay sila namang tiyak na dadalawin ng kanilang mga kamag-anak sa kulungan.
Balita galing sa Camarines Sur, KASAMA MO sa DWNX 1611 – Paul Santos TATAK RMN!
Tags: Sta. Maria Josefa Foundation Hospital, SMJF Hospital, Iriga City, Baao, Paul Santos, DWNX 1611
3 Dalaw sa Hospital sa Iriga City, Kalaboso sa Shabu
Facebook Comments