3-day COVID-19 national vaccination drive, aarangkada na ngayong araw

Aarangkada na ngayong araw ng 3-day COVID-19 national vaccination drive.

Ito ay sa kabila ng kakulangan pa rin ng nasa 51,000 volunteers na tutulong sa health screening, post vaccination monitoring, health educators, registration personnel, at mismong mga magbabakuna.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla, nasa 160,000 ang orihinal na bilang ng kinakailangan ng Department of Health na volunteers.


Una nang ibinaba ng NTF ang kanilang target na bilang ng mababakunahan sa 9 million mula sa 15 million at sa halip ay magsasagaw na lamang sila muli ng isa pang national vaccination drive sa Disyembre 15 hanggang 17.

Kabilang sa mga babakunahan dito ang mga kabataang edad 12 hanggang 17 at ang booster shots para sa healthcare workers, senior citizens at persons with comorbidities.

Sinabi naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi maaaring gamitin sa pamumulitika ang vaccination drive at posibleng maharap sa kaukulang kaso ang sinumang lalabag dito.

Facebook Comments