Muling isinailalim sa lockdown ang Auckland, New Zealand ngayong araw.
Ito ay makaraang makapagtala ng apat na bagong kaso ng COVID-19 matapos ang 102 araw na walang naitatalang kaso ng virus simula noong Mayo 1.
Ayon kay New Zealand Prime Minister Jacindra Ardem, hanggang Biyernes isasailalim sa “level 3” lockdown ang lungsod kabilang ang lahat ng nursing home sa buong New Zealand dahil sa posibilidad na magsilbi itong transmission hotspots ng virus.
Dahil dito, pinangangambahan ding hindi matuloy ang September 19 election sa nasabing bansa kung hindi agad mako-contain ang virus.
Una rito, itinuring ng World Health Organization na halimbawa ang New Zealand sa tamang aksyon kung paano mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19 matapos na makapagtala lamang ng 22 death cases.