Ang mga nadakip ay sina Cleomond Castañeda, 34 years old, kundoktor, residente ng Napaccu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela; Kristian Ian Colobong, 31 years old, residente ng Marasat Pequeño, San Mateo, Isabela; Rodel Garcia, 42 years old, ng Sampaloc, Cabatuan, Isabela at Pedro Alcantara, 50 years old, residente naman ng Saranay, Cabatuan, at pawang mga driver ng dyip.
Naaktuhan ang mga ito na naglalaro ng “Pepito” habang naghihintay ng kanilang pasada na nagresulta naman sa kanilang pagkakaaresto.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang bet money na nagkakahalaga ng kabuuang P760.00 at mga ginamit na baraha.
Kasalukuyang nakakulong sa lock-up cell ng PNP ang apat na suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 at sila’y nakatakdang dalhin ngayong araw sa piskalya para sa kanilang paglalagak ng tig-P10,000 na piyansa.