WINTER WONDER PARK SA LUNGSOD NG ILAGAN, TARGET BUKSAN SA NOBYEMBRE

53
Target ng lungsod ng Ilagan na buksan sa publiko sa buwang ng Nobyembre ang isa sa malaking proyekto nito na Winter Wonder Park na kasalukuyan ang konstruksyon sa Brgy. Lullutan, City of Ilagan, Isabela.

Lumagda na ng kasunduan para sa nabanggit na proyekto si Mayor Josemarie ‘Jay’ Diaz katuwang sina Ginoong Rudolph Winfotter, Chairman at CEO ng Double Rainbow Construction and Development Corp.; at Northeastern Construction.

Ilan sa mga amenities na tiyak kagigiliwan ng publiko ay gaya ng Ice Skating, Ice Slide, Ski Lift, at iba pa.

Magugunita na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng Winter Wonder Park noong Agosto 11, 2022.

Facebook Comments