Batay sa report ng Police Regional Office 2, unang inaresto si Eloisa Costales, 19-anyos, residente ng Sitio Baringin, Purok 6, Barangay Magsaysay, Bayombong matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation na nagresulta ng pagkakumpiska ng tatlong pakete na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, five-hundred-peso bill (marked money) isang coin purse pitch, isang cellphone, P200 at isang motorsiklo na kulay itim.
Nadakip rin sa hiwalay na operasyon sina Rogen Fernandez, 25 anyos, residente ng Brgy. Osmena, Solano at Harvey Costales, 24 anyos, residente ng Brgy. Quirino, Solano, Nueva Vizcaya sa ikinasang drug buy-bust operation sa SMU-Sta Rosa Road Brgy. Lactawan, Solano, Nueva Vizcaya.
Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang limang pakete na naglalaman ng shabu, limang daang pisong buy bust money at isang cellphone.
Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.