3 estudyante sa Pasig, nakatanggap ng mga school supplies, vitamins at cash mula sa mga pulis

Ilang araw bago ang pagbubukas ng klase para sa school year 2021-2022, tatlong estudyante sa Pasig ang nabiyayaan ng mga school supplies, vitamins, health kits at cash donations.

Ang mga tulong na ito ay galing sa mga pulis nakatalaga sa Station Community Affairs Section ng Pasig City Police Station.

Sa ulat ng Pasig PNP, ang mga nabiyayaang estudyante ay sina Noralden Mindalano, grade 5 student at Nokhair Mindalan, grade 3 student.


Sila ay mga anak ng mga street vendor na may tatlo pang mga anak kaya halos hindi kayang masuportahan sa pag-aaral ang kanilang mga anak dahil sa kahirapan.

Ang pamilya ay nanggaling sa Marawi at dito na naninirahan sa kamaynilaan.

Samantala ang isa pang estudyante na nakatanggap ng tulong mula sa mga pulis ay si John Lawrence Dinaguit, 15 anyos isang Grade 9 student ng Nagpayong High School.

Tiniyak naman ng Pasig CPS na magpapatuloy ang kanilang pagtulong lalo na sa mga kabataang nagsisikap makapag-aral sa kabila ng hirap sa buhay.

Facebook Comments