3 Gun Runners kabilang ang Isang Brgy. Chairman sa Cagayan, Nalambat!

*CAGAYAN- *Naaresto na ng mga otoridad ang tatlong gun runners sa Lalawigan ng Cagayan matapos ang ikinasang entrapment operation ng pinagsanib pwersa ng mga kasapi ng Police Regional Office 2 (PRO2) at CIDG Region 2 sa Tuguegarao City.

Nakilala ang tatlong gun runners na sina Emerson Diezon Domingo, 39 anyos, residente ng Tuao, Cagayan, Rambo Usod Fausto, 33 anyos, incumbent Brgy. Chairman at residente ng Brgy Lakambini, Tuao, Cagayan at si Madonna Ventura Maribbay, 29 anyos, residente ng Brgy Plantation Villa, Carig Sur, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, matagumpay na nahuli ang tatlong suspek matapos nilang bentahan ang isang poseur buyer ng tatlong caliber 45 at isang caliber 40.


Nakuha mula sa mga suspek ang isang caliber 40 Bersa Pistol at magazine, labing dalawang piraso ng bala ng caliber 40, isang black leather holster ng caliber 40, tatlong Caliber 45 colt pistol, apat na magazine ng Caliber 45, tatlong unit ng cellphones, isang motorsiklo at dalawang tig-limang daang piso bilang marked money.

Dinala na sa kustodiya ng CIDG2 ang tatlong suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act“ ang tatlong gun runners na nag-ooperate sa probinsya ng Cagayan.

Facebook Comments