3 HPG personnel na dawit sa EDSA busway incident, sinuspinde

Sinuspinde ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang tatlo nilang mga tauhan na sangkot sa pagdaan sa EDSA busway noong Biyernes.

Ayon kay HPG Spokesperson PLt. Nadame Malang, epektibo mula pa noong Biyernes ang suspensyon sa 3 nilang tauhan na kinabibilangan ng dalawang non-commissioned officer at isang commissioned officer.

Ani Malang, kasalukuyang nasa floating status ang mga ito para bigyang daan ang nagpapatuloy na imbestigasyon.


Kabilang sa mga sinuspinde ay ang HPG personnel na nakuhanan ng video ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTR-SAICT) na nagsabi pang hiniling umano ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na itigil na ang operasyon sa EDSA busway tuwing rush hour.

Facebook Comments