16 na importers, idineklarang blacklisted ng DA

Nasa 16 na importers ang idineklarang blacklisted ng Department of Agriculture (DA).

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DA Secretary Fracisco Tiu-Laurel Jr. na karaniwan sa mga iligal na ipinapasok na produkto ng rsmga na-blacklist ay ang pulang at puting sibuyas, frozen fish balls, at carrots na idineklara bilang various commodities.

Habang ang ang ibang produkto ay walang sanitary at phytosanitary import clearances.


Apat sa mga ito ay sinampahan na ng kaso, anim ang patuloy na iniimbestigahan, habang ang iba naman isusunod nang kasuhan.

Kasama sa mga blacklisted na kumpanya ang Thousand Sunny Enterprises, R2H Trading, Gingarnion Agri Trading, Lalavy Aggregates Trading, Flevo Trading, Saturnus Corporation, IVM grains Corporation, Kysse Lysshh Consumer Goods Trading, at JRA and Pearl Enterprises Inc.

Blacklisted din ang Betron Consumer Goods Trading, Golden Rays Consumer Goods Trading, La Reina Fresh Vegetables and Young Indoor Plants Inc., Vegefru Producing Store, Yom Trading Corporation, at RCNN Non-specialized Wholesale Trading.

Facebook Comments