3 KATAO, ARESTADO SA IBA’T IBANG KASO

Dinakip ng mga pulis ang tatlong indibidwal sa iba’t ibang kasong kinakaharap sa Tabuk City, Kalinga nitong Miyerkules, Setyembre 28, 2022.

Naaresto ang lalaking suspek na 26-taong gulang at residente of Lay-asan, Tanudan, Kalinga sa ginawang paulit-ulit na pangmomolestya sa isang menor de-edad.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law na may inirekomendang Php200,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Siya ay naaresto matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya na ipinalabas ng korte noong Setyembre 12, 2022.

Bukod ditto, dinakip din ng mga awtoridad ang isang lalaki sa kasong pagnanakaw sa Sitio Kesbeng, La Trinidad, Benguet.

Ang suspek ay kabilang umano sa “Jepson Beligen Bolt Cutter Acetylene Robbery Group” na ninakawan ang Treasure Link Cooperative sa Bulanao, Tabuk City noong Setyembre 2021.

Nagkakahalaga ng Php36, 000 ang kinakailangan ilagak ng suspek para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Samantala, nahuli rin ang lalaking nagtangkang magpuslit ng iligal na droga sa loob ng piitan sa Tabuk, Kalinga.

Ang suspek ay 24-taong gulang na residente ng Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang piraso ng heat sealed transparent sachet na naglalaman ng iligal na droga na may timbang na 0.8 gramo na nagkakahalaga ng Php5, 440.

Siya ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments