MALAWAKANG ANTI-RABIES VACCINATION, ISINAGAWA SA CAGAYAN

30
Nagsagawa ang Cagayan Provincial Veterinary Office (PVET) ng malawakang anti-rabies vaccination at pagbabahagi ng Information, Education and Communication (IEC) campaign hinggil sa rabies.

Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng World Rabies Day nitong Miyerkules, Setyembre 28, 2022 na may temang “Rabies: One Health, Zero Deaths” na naglalayong isulong ang proteksyon ng tao at mga aso at pusa laban sa rabies.

Nagpapatuloy ngayong araw hanggang bukas ang anti-rabies vaccination sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Magsasagawa rin ng IEC campaign hinggil sa rabies ang ahensya sa iba’t ibang paaralan naman sa Cagayan.

May nakatakda ring libreng kapon at ligate sa mga alagang pusa at aso sa Aparri bukas, Setyembre 30, 2022.

Facebook Comments