Ilang barangay sa gensan, lubog sa tubig baha

263

General Santos City—lubog sa tubig  baha ang ilang Barangay dito sa lunsod  ng Gensan dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan kagabi.

 

ang mga barangay na lubog sa baha ay ang Barangay Lagao, San Isidro at Barangay Baluan. Marami nang mga residenti ng nasabing Barangay ang kasalukuyan ngayon na nanatili sa mga evacuation Center dahil narin sa nasabing baha.

 

Sa panayam ng RMN Gensan sa mga residenti ng Barangay Lagao na hating gabi ng sila ay pinasok ng tubig baha na aabot hanggang sa kilikili.

 

Dahil dito napilitan silang umalis sa kanilang bahay para narin sa kanilang kaligtasan.

 

Ilang sasakyan din ang namatayan ng makina dahil sa taas ng tubig sa national highway ng Barangay Baluan.

 

Habang nasira naman ang ilang unit nga computer ng Lagao PNP habang basa ang  ilang mga office supply matapos silang pinasok ng tubig.

 

Hanggang umaga, nakatayo lang ang kanilang mga priso matapos pinasok din ng baha ang kanilang lock up cell.

Facebook Comments