3 kilos ng shabu, narekober sa Parañaque City

ParaƱaque City, Philippines – Nasabat ng PNP-Drug Enforcement Group ang aabot sa tatlong kilo ng hinihinalang shabu sa loob ng isang abandonadong bahay sa ParaƱaque City kagabi.

Ayon kay PNP-Drug Enforcement Group Spokesperson PSupt. Enrico Rigor, ikinasa ang operasyon matapos ang pagkakahuli noong nakaraang Sabado sa isang Taiwanese National sa isang hotel sa Baclaran kung saan nakakumpiska sila ng 50-kilo.

Pasado ala-una kaninang madaling araw, natagpuan ang isang styrofoam box na may lamang mga dried mangoes.


Nang buksan ang laman ng kahon, tumambad ang tatlong malalaking supot na may lamang tig isang kilo ng hinihinalang shabu.

Hinala ng pulisya, posibleng nakahanda nang ideliver ang shabu bago nasabat ng mga otoridad .

Inaalam pa kung kanino nakapangalan ang bahay habang nagpapatuloy ang follow operation hinggil sa mga nasabat na droga.

Facebook Comments