3 kumpanya, interesadong mag-apply para sa EUA ng Sinopharm COVID-19 vaccines – FDA

31

Nasa tatlong kumpanya ang interesadong mag-apply para sa Emergency Use Authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese firm na Sinopharm.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ang mga nasabing kumpanya at sumulat na sa kanila ay nais mag-apply ng EUA para sa Sinopharm.

Pero sinabi ni Domingo na hindi pa nakakapagsumite ang mga kumpanya ng kinakailangang requirements.


Ibig sabihin, wala pang natatanggap ang FDA na official application para sa EUA ng Sinopharm.

Matatandaang pinabawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa 1,000 doses ng Sinopharm vaccines dahil wala pa itong EUA.

Facebook Comments