MAGKASINTAHANG MALILIGO SA ISANG FALLS SA AGUILAR, PANGASINAN, NADULAS; ISA DEAD ON THE SPOT

135

AGUILAR, PANGASINAN – Wala nang buhay ang isang dese-nwebe anyos na binata habang sugatan naman ang kasama nito matapos silang madulas sa isang falls sa Bayan Ng Aguilar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagpasyang pumunta sa naturang falls area ang dalawa sa Sitio Mapita sa nasabing bayan.


Ang mga biktima ay nakilalang sina Jovanie Cruz, residente ng bayan ng Lingayen at Larieza Castro residente naman ng bayan ng Calasiao na habang sila umano ay paakyat papuntang falls ay doon na nangyari ang mapait na pangyayaring kikitil pala sa buhay ni Cruz.

Nahulog mula sa itaas na tinatayang tatlumpung metro ang taas na nagresulta ng matinding sugat sa kanyang ulo dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sinubukan pa umano itong tulungan ni Castro subalit nabigo ito at maging siya ay nahulog din at nagtamo din ng sugat sa paa na agad namang itinawag sa mga rescuers ang naturang insidente.

Facebook Comments