3 lasing, huli sa pananakit ng menor sa Meycauayan, Bulacan

Meycauayan, Bulacan – Nahuli na ang tatlong lasing na nakunan ng CCTV na nanakit sa mga menor de edad sa isang computer shop sa Meycauayan, Bulacan.

Napag-alaman na nasa edad 13 hanggang 17 ang sinaktan habang nasa 17 hanggang 20 taong gulang ang mga naka-inom.

Pagdating sa presinto, todo-hingi ng tawad ang mga suspek sa mga magulang ng mga sinaktan.


Giit ng mga suspek, gumanti lamang sila sa panloloko na ginawa ng mga bata sa isang tindahan.

Nagka-aregluhan ang magkabilang kampo matapos mangako ang mga suspek na sasagutin ang pagpapagamot sa mga biktima.

Facebook Comments