Naguilian , Isabela – Nasagip ng mga otoridad ang tatlong menor de edad matapos na dalhin ng kanilang recruiter at magtrabaho sa isang KTV Bar sa Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Gary Macadangdang, hepe ng Naguilian Police Station, sinabi niya na nagsagawa ng rescue operations ang pamunuan nito kasama ang CIDG Isabela Police Provincial Office sa Bhoss Jhay-a KTV bar kung saan ay matagumpay na nakuha ang tatlong kabataan na tubong Bulacan, Bataan at Cavite.
Aniya nahuli naman ang manager ng KTV bar na si Marife Martinez Lucero, tatlumpu’t isang taong gulang, residente ng San Manuel, Nagulian, Isabela.
Kabilang na naaresto ang recruiter na kinilalang si Diwata Joy Colcol Ganola, dalawampu’t walong taong gulang at tubong San Fernando, La Union City.
Sa ngayon ay nasa CIDG Isabela Police Provincial Office ang tatlong biktima ng human trafficking maging ang manager at recuiter para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon kung saan ay inihahanda na umano anginquest proceedings upang masampahan ng kaso ang manager at recruiter.