Manila, Philippines – Iprinisinta na sa media ang nasa 3-milyong pisong halaga ng mga smuggled na sasakyan na nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port noong Biyernes.
Ayon kay BOC Enforcement Group Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno – idineklara ang shipment bilang household goods pero nang buksan ay tumambad sa mga otoridad ang (1) Mitsubishi 3000 GT Car, (1) Honda Cb 900, (1) Yamaha at mga Kawasaki Ltd. 550 motorcycles.
Bukod dito, wala ring kaukulang mga import permit ang mga sasakyan na nagmula pa sa oakland sakay ng Cosco Thailand V-50.
Nasa kustodiya na ng BOC ang mga nakumpiskang smuggled vehicles.
Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa customs modernization and tariff act in relation to executive order 156 ang consignee ng shipmen.
DZXL558