General Santos City—Patay ang tatlong kasapi umano ng New People’s Army sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng tropa ng 27th Infantry Battalion at NPA sa boundary ng Kiamba at Maasim, Sarangani Province kahapon.
Sa panayam ng RMN Gensan News Team kay Maasim Mayor Uttoh Salim Cutan, sinabi nito na alas 9:00 ng umaga kahapon unang nangyari ang bakbakan sa Sitio Tam-er, sa boundary ng Barangay Lumasal, Maasim, at barangay Katubao ng Kiamba, Sarangani, at sinundan pa ito ng isa pang encounter ala 1:00 ng hapon na ikinamatay ng tatlong kasapi ng NPA.
Base sa report maliban sa tatlong binawian ng buhay may mga sugatan pang myembro ng NPA pero itoy inaalam pa ng mga sundalo ng gobyerno. Wala namang nasugatan sa tropa ng 27th IB.
Napag-alaman na nagsagawa ng patrolya ang tropa ng 27th IB sa lugar nang kanilang nakasalubong ang hindi pa tukoy na bilang ng mga rebelde na naging dahilan ng sagupaan.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ng awtoridad ang identity ng tatlong NPA na namatay habang nagpapatuloy pa ang ginagawang clearing operation ng mga sundalo ng gobyerno sa encounter site.